Senador Villanueva pinaalalahanan ang mga botante na piliin ang mga karapat-dapat na maging senador

Nagpaalala si Senador Joel Villanueva sa mga botante na tunay na maging mapanuri sa mga iboboto nilang senatorial candidates sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Villanueva, may mga kandidato na malakas ang appeal pero sa kanyang paniwala ay sa halip na makatutulong sa Senado ay maaaring makasama pa.

Makakatulong aniya kung susuriin mabuti ng mga botante ang track record ng mga kandidato partikular na ang mga nais nilang iboto.

Nabanggit ni Villanueva na may kandidato na mataas sa survey pero duda siya dito kung talagang may maitutulong.

Hindi na binanggit ng senador ang pangalan ng kandidato ngunit aniya may mga pagkakataon na mali ang nagiging interpretasyon nito sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagdidiin nito hindi naman sa minamaliit niya ang kandidato kundi nais lang niyang protektahan ang integridad ng Senado.

Pagtitiyak nito susuportahan niya ang mga reelectionist senators dahil subok na ang pagbibigay serbisyo ng mga ito.

Read more...