Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa P11 bilyon ang shabu na laman ng magnetic lifters sa Cavite.
Sa naganap na lecture sa gabinete sa Malacañang tungkol sa iligal na droga, sinabi ng pangulo na traces lamang ang nakita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lifters at inakala lamang na puno ang mga ito.
Ayon sa pangulo ang pag-assume na puno ang lifters at may halagang P11B ay hindi papasa sa korte.
“They are assuming na puno iyon. They pegged it there. Nakita nila traces, but they wrongly assumed na puno iyon kaya from P6 million [billion], they increased the [value],” ani Duterte.
Matatandaang mula sa P6.8 bilyon ay sinabi ng PDEA na posibleng P11 bilyon ang halaga ng shabu na laman ng lifters.
Iginiit ng pangulo na mali na i-assume na ang halaga ng shabu na isinilid sa magnetic lifters ay aabot sa ganoong halaga dahil palalalain lamang nito ang mga haka-haka ng publiko. / Rhommel Balasbas