Inirekomenda ni Senador Richard Gordon na palawigin pa ang pondo para sa mga human rights victims noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa committee report ng pinamumunuan niyang Committee on Justice and Human Rights, hiniling nito na maaprubahan nang walang pag-amyenda ang resolusyon nina Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto at Senador Chiz Escudero na hanggang December 2019 ay maaaring kumuha ng claims ang mga biktima.
Nais ni Escudero na mapalawig ang pagpapalabas ng pondo na ngayon ay nakadeposito sa Land Bank of the Philippines.
Ito aniya ay maaari mabigyan ng kompensasyon ang mga legitimate claimants sa Republic Act 10368 o ang Human Rights Victims and Recognition Act of 2013.
Hanggang noong Mayo, 11,103 lang sa mahigit 75,000 claimants ang naaprubahan ng Human Rights Victims Claims Board.
Samantala, hanggang noong Hunyo, may balanse pa sa Land Bank na higit P792 milyon na dapat ay nakuha na noong Agosto kundi ay mapupunta na ito sa Bureau of Treasury.