Daniel Padilla, ‘ni-recruit’ ni Roxas

 

Inquirer file photo/Joan Bondoc

Kinuha na ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang tulong ng sikat na young actor na si Daniel Padilla upang makahatak ng karagdagang suporta para sa 2016 presidential elections.

Ayon kay Team Daang matuwid spokesperson Barry Gutierrez, kanilang ni-recruit si Padilla upang mas mapalapit sa masa at mga kabataan ang kanilang kandidato sa susunod na halalan.

Sa kabila nito, iginiit ni Gutierrez na mananatili pa rin ang kanilang pagtutok sa mga isyu at hindi aasa sa popularidad ng aktor at ng iba pang celebrity endorsers.

Magiging tampok lamang aniya sa tungkulin ni Padilla ay ang hikayatin ang kanyang mga tagasuporta na makinig sa mensaheng nais na iparating ni Roxas at ng partido.

Giit pa ni Gutierrez, hindi rin ito pagtatangka na tapatan ang koneksyon ni Senador Grace Poe sa mga miyembro ng entertainment industry.

Hindi rin binanggit ni Gutierrez kung magkano ang tatanggapin ng aktor sap ag-endorso kay Roxas.

Read more...