PT&T kinuwestyon ang proseso ng NTC sa pagpili ng bagong telco

Inquirer file photo

Kinasuhan ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) ang National Telecommunications Commission (NTC).

May kaugnayan ito sa pagbibigay ng NTC ng sampung taong technical requirement na pabor sa mga dayuhang kumpanya na gustong makibahagi sa telecommunication industry sa Pilipinas.

Humihingi ang PT&T sa Makati Regional Trial Court ng tinatawag na a “declaratory relief” kaugnay sa bidding para sa ikatlong telco sa bansa.

Ipinaliwanag ni PT&T president at chief executive officer James Velasquez na hindi kasama sa mga binigyan ng minimum 10-year technical requirement certificate ang kanilang kumpanya bagaman lampas na sila sa nasabing kategorya.

Gusto ng PT&T sa pamamagitan ng utos ng hukuman na tanggapin ang kanilang bid para sa ikatlong telco player sa bansa.

Bukas, araw ng Miyerkules ay nakatakdang buksan ng NTC at Department of Informationa and Communications Technology (DICT) ang lahat ng bid para sa nasabing proyekto.

Nauna na ring sinabi ng PT&T na mas binibigyan ng pabor ng NTC sa kanilang mga naunang memorandum ang pagpasok ng mga foreign telco firms imbes na bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na kumpanya.

Nilinaw naman ni Velasquez na hindi nila layuning guluhin o harangin ang nakatakdang pagbubukas bukas ng mga bid para sa ikatlong telco player sa Pilipinas.

Read more...