500 law graduates hindi nakadalo sa unang araw ng Bar exam

Inquirer file photo

Aabot sa 500 examinees ang hindi nakakuha ng pagsusulit sa unang araw ng Bar exam noong Linggo sa Univeristy of Santo Tomas.

Sa kabuuan ay 8,701 ang sana ay bilang ng Bar candidates ayon sa record ng Supreme Court.

Ipinaliwanag ni Supreme Court spokesperson Maria Victoria Gleoresty na hindi na papayagang kumuha ang nasabing mga examinees sa mga susunod na pagsusulit sa lahat ng Linggo sa buwan ng Nobyembre.

Ayon pa sa opisyal, ngayong 2018 naitala ang pinakamataas na bilang ng mga Bar candidates.

Noong 2017 ay nasa 6,748 na law graduates ang kumuha ng Bar exam ay umabot lamang 1,724 ang nakapasa sa pagsusulit.

Noong nakaraang Linggo ay sumentro sa political, international at labor law ang laman ng pagsusulit.

Sa November 11 ay laman naman ang eksaminasyon ang civil at taxation law.

Tatagal nang hanggang sa Novermber 25 ang Bar exam kaya magpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng UST ang mga miyembro ng Philippine National Police.

Read more...