LOOK: Eddie Garcia tinanggap ang kaniyang trophy mula sa idinaos na Subic Bay International Film Festival

Photo from SBIFF

Tinanggap na ng beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia ang kaniyang trophy mula sa Subic Bay International Film Festival (SBIFF).

Si Eddie Garcia ay binigyan ng Philippine Cinema Legacy Award sa idinaos na SBIFF noong Hunyo 2018 dahil sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng pelikula.

Hindi naman nagawa ni Garcia na personal na matanggap ang kaniyang tropeo noong awards night dahil mayroon siyang taping sa seryeng “Ang Probinsiyano”.

Ilang ulit ding tinangka na personal na maiabot kay Garcia ang trophy pero hindi tumutugma sa schedule ng aktor.

Martes, November 6, personal nang naiabot nina SBIFF Festival Directors Vic V. Vizcocho Jr. at Arlyn Dela Cruz-Bernal ang tropeo kay Garcia.

Samantala, pinaghahandaan na ng SBIFF ang mas malaking festival sa susunod na taon na target ding gawin sa Hunyo.

 

Read more...