Negosyanteng Chinese na si Michael Yang consultant ni Pang. Duterte ayon kay Panelo

Presidential Photo

Kinumpirma ng Malakanyang na isa sa mga consultant ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyanteng Chinese na si Michael Yang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sina Execuytive Secretary Salvador Medialda at Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang lumagda sa appointment paper ni Yang bilang presidential consultant o adviser on economic affairs.

Matatandaan na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na hindi niya maaring kuning consultant si Yang dahil sa pagiging dayuhan nito na ipinagbabawal sa bansa.

Dipensa ni Panelo, malawak at maraming alam si Yang sa pagpapatakbo ng mga negosyo.

Bukod dito, marami ring kakilala si Yang sa gobyerno ng China at maging sa Chiness business community.

Paliwanag pa ni Panelo, galing sa mahirap na pamilya si Yang na nagsumikap at yumaman.

Gayunman, sa dulo ng press briefing, sinabi ni Panelo na lilinawin niya muna kay Pangulong Duterte kung ano ang papel ni Yang sa administrasyon.

Read more...