Desisyon sa mga kaso kaugnay sa Dengvaxia isasapubliko ngayong buwan – Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na isasapubliko ngayong buwan ang magiging desisyon sa mga kasong may kaugnayan sa Dengvaxia.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masusing binabantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isyu na bumabalot sa Dengvaxia controversy.

Dagdag ni Panelo, pinakikinggan ng pangulo ang bawat panawagan para sa hustisya ng mga pamilya ng mga nasawi dahil sa Dengvaxia vaccine.

Tiniyak pa ni Panelo na mahaharap sa kaukulang asunto ang mga opisyal ng gobyerno maging ang mga pribadong indibidwal na mapatutunayang responsable sa palpak at nakamamatay na health program ng DOH sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Read more...