Ayon kay Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, kung mayroong maghahain ng panibagong petisyon ay muli itong pag-aaralan ng wage board.
Reaksyon ito ni Bello kasunod ng pahayag ng maraming grupo na maliit at hindi sapat ang ibinigay na P25 na minimum wage increase.
Umaasa naman si Bello na hindi mauuwi sa protesta at strike ang pagkadismaya ng mga manggagawa sa naging pasya ng wage board.
Samantala, sinabi naman ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy pwede ring maghain sa kanilang ng apela na hihiling na baguhin ang P25 na inaprubahang dagdag sahod.
Mayroon aniyang 10-araw matapos ang publication ang mga grupong gustong umapela.