Bagong pinuno ng NAPC at Urban Poor Commission itinalaga ni Pang. Duterte

May nahirang nang bagong pinuno ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, itinalaga ng pangulo si Noel Kinazo Felongco bilang lead convenor ng NAPC kapalit ni Liza Maza na nagbitiw sa pwesto.

Samantala, nagtalaga na rin ang pangulo ng bagong chairperson ng Presidential Commission on the Urban Poor.

Ito ay sa katauhan ni Alvin San Juan Feleciano.

Papalitan ni Feliciano si Terry Ridon na sinibak naman sa pwesto dahil sa kaniyang junkets o mga biyahe abroad.

Read more...