Kinampihan ni Senator Joel Villanueva ang mga sektor ng manggagawa na nagsabing
nakakainsulto ang P25 na dagdag sa minimum wage.
Katuwiran ni Villanueva dahil sa patuloy na pagsipa ng inflation, hindi sapat ang inanunsiyong dagdag sahod.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Labor, ang pinakamagandang gawin para matulungan ang mga
manggagawa ay ibaba sa 10 porsiyento ang kasalukuyang 12 percent value added tax o VAT.
Pagdidiin ng senador mas mabuti ang epekto nito kumpara sa P25 wage hike.
Sinabi nito na kahit suspindihin ang fuel excise tax sa susunod na taon, may mga ibang dahilan na nakakapagpataas sa inflation.
MOST READ
LATEST STORIES