DOH nagbabala sa publiko sa pagbili at paggamit mga vaping device

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat sa pagbili ng mga consumer products kasunod ng pinakabagong insidente ng pagsabog ng vaping device o e-cigarette ng isang 17-anyos na binatilyo sa Quezon City.

Ayon sa DOH, dapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalona ang mga menor de edad sa pagbili ng mga vaping device.

Paliwanag ng DOH, hindi laruan ang vape at naglalaman din ito ng mga kemikal na delikado sa kalusugan.

Ipinasisilip na ng DOH sa pamamagitan ng Food and Drug Administration o FDA katuwang ang DTI ang mga safety at health issues na kaakibat ng vape na naibebenta rin online.

Sa ngayon, ang FDA ang nagre-regulate ng E-cigarettes bilang medicinal products dahil sa nicotine content nito at walang devicde o e-liquid ang nakarehistro o na-evaluate na ng FDA.

Hinikayat ng DOH ang mga medical practitioner, hospital facilities at ang publiko na agad i-report sa kanilang hotline na 711-1001 ar 711-1002 ang anomang aksidente kaugnay ng vape.

Read more...