Pinag-aaralan pa ng Office of the Executive Secretary ang paglikha ng Office of the Press Secretary.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hanggang ngayon ay wala pang nailalabas na EO ang palasyo para sa pagbuo ng OPS.
Aminado si Andanar na hindi niya kakayaning gampanan ang maging press secretary.
Masyado aniyang mabigat ang pagiging press secretary lalo’t magsisilbi rin siyang spokesperon o tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Andanar, malabo ring tanggapin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagiging press secretary.
Gayunman, nagbigay ng clue si Andanar sa posibleng magiging press secretary.
Ayon sa kalihim, magandang lalaki ang susunod na press secretary.
Kapag nag-isyu na ang palasyo ng EO sa OPS ay otomatikong mawawala na ang tanggapan ng PCOO.