Medina, Misamis Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Medina sa Misamis Oriental.

Naganap ang lindol alas 5:35 ng umaga ng Martes, Nov. 6 sa 11 kilometers northeast ng Medina.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 18 kilometers ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Naitala naman ng Phivolcs ang Intensitiy II sa Gingoog City, Misamis Oriental bunsod ng nasabing lindol.

Read more...