Ang grupong “Donald J. Trump for President” ang nagbayad ng naturang ads at nai-broadcast na noong Linggo.
Sa nasabing ads, makikita ang footage sa courtroom ng Mexican immigrant na nahatulan sa pagpatay sa isang pulis noong 2014.
May mga eksena din ng caravan na tila tumutukoy sa nagpapatuloy na caravan ng mga Central American migrants.
Ginawa ang ads para hikayatain ang mga btoante na piliin ang kandidato ng republican Party ni Trump.
Sa pahayag ng NBC, matapos nilang busisiin ay natukoy nilang insensitive ang ads kaya nagpasya silang itigil na ang pag-ere nito.
Ang naturang ads ay hindi tinanggap ng CNN dahil sa pagiging “racist”.