Aroroy, Masbate niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Aroroyo sa lalawigan ng Masbate.

Naitala ang epicenter lindol sa 18 kilometers northeast ng Aroroy.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol alas 3:25 ng madaling araw ng Martes, Nov. 6.

May lalim itong 4 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...