Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa 500 gramo ng shabu na ibinebenta ng ‘sale’ o bagsak presyo sa Pasay City.
Isinagawa ang operasyon ng PDEA-NCR sa Barangay 128.
Ayon kay PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza , sa kanilang ginawang operasyon, natuklasan nilang ang mga shabu ay ibinebenta lang sa halagang P700,000 gayong ang street value nito ay P3.5 million.
Naaresto sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina John Michael Laureta, Mark Xander Laureta, Bryan Balboa, at Aldrin Guerrero.
Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay notoryus na mga pusher sa Metro Manila at mayroong kuneksyon sa mga supplier na nakakulong.
MOST READ
LATEST STORIES