Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV ang iniakda niyang Senate Bill 1562 at Senate Bill 559 ay layon mabigyan ng bagong night shift differential at hazards pays ang mga manggagawa.
Aniya sa Senate 1562, gusto niya na hanggang 20 porsiyento ng kanilang hourly rate ang madagdag na night differential pay sa mga may schedule na 10:00 pm hanggang 6:00 am work shift, maliban sa mga nasa government hospitals at uniformed service may sariling salary system.
Samantala, sa Senate Bill 559 naman gusto ni Trillanes na mabigyan ng hazard pay ang mga government workers na nagta-trabaho sa mga hazardous areas na idineklara ng secretary of national defense at sa mga liblib na lugar.
Gayundin sa mga mental hospitals, kulungan, sa mga imbakan ng mga armas, sa mga eroplano at barko, gayundin sa mga medical institutions na delikado para sa kalusugan, nakakahawang sakit at radation exposure.
Pagdidiin ni Trillanes maliit na bagay lang ang dagdag sahod kumpara sa sakripisyo at paglalagay sa panganib sa kanilang sariling kaligtasan na ginagawa ng ilang kawani ng gobyerno.