Southern Luzon, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ – PAGASA

Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pakidlat ang Palawan, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Ang metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon at magkakaroon lamang ng dagliang pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Habang localized thunderstorms lamang din ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Wala namang nakataas na gale warning kaya malayang makapaglalayag ang maliliit na sasakyang pandagat.

Read more...