PNP, hindi maglalabas ng permit sa mga bagong manufacturer ng mga paputok

Hindi na maglalabas ng permit ang Philippine National Police (PNP) sa mga bagong manufacturer ng mga paputok at iba pang mga pyrotechnic devices.

Ito ay may kaugnayan sa kautusan ng pangulo na mahigpit na bantayan ang paggamit, paggawa at pagbebenta ng mga ito habang papalapit ang pagsalubong sa bagong taon.

Sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act Number 7183, kung sinuman ang nais gumawa o magbenta ng mga fireworks at iba pang pyrotechnic devices ay dapat maghain ng aplikasyon ng license o business permit sa PNP Chief.

Kaugnay nito, ay nagpalabas si Pangulong Duterte ng Memorandum Order No. 31 na nag-uutos sa PNP at iba pang mga concerned agencies na maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas na may kinalaman sa mga paputok.

Kasama dito ang pagbawi ng lisensiya o permit sa mga papatunayang lumabag sa batas/

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, tanging ang mga manufacturer na sumunod sa mga nakasaad sa batas ang siyang hahayang makapagbenta ng mga paputok.

Read more...