CHR, pinasalamatan si Sister Fox

Pinasalamatan ng Commission on Human Rights (CHR) si Sister Patricia Fox sa kanyang naging dedikasyon sa mga ibat-ibang cause na may kaugnayan sa karapatang pantao sa PIlipinas.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, kanilang kinikilala ang halos tatlong dekadang dedikasyon ni Fox sa pagtataguyod ng mga karapatang pantao lalo na sa mga magsasaka, manggagawa at mga mahihirap.

Pinaalalahanan ng CHR ang pamahalaan na may obligasyon ito pagdating sa human rights sa lahat ng tao sa bansa.

Umalis si Fox sa bansa noong gabi ng Sabado matapos ang naging paglaban nito sa kanyang deportation case.

Matatandaang napilitang umalis si Fox sa bansa matapos hindi pagbigyan ang hirit niyang extension sa kanyang visa para manatili sa bansa.

Read more...