PNP: Crime rate sa Mindanao bumaba dahil sa martial law

Inquirer file photo

Pabor ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na palawigin ang martial law sa buong Mindanao region.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na ibibigay nila ang buong suporta sakaling magdeklara ang commander-in-chief ng martial law extension.

Base sa record ng PNP, sinabi ni Albayalde na mula sa 8.79 noong 2017 ay bumaba sa 5.92 ang crime rate para sa taong kasalukuyan sa kabuuan ng Mindanao dahil sa magpapatupad ng batas militar.

Nakatulong ayon sa pinuno ng PNP ang pagkakaroon ng mga tauhan ng militar at checkpoints ng pulisya para mapanatili ang kaayusan sa lugar kabilang na ang peace and order situation.

Magugunitang nagdeklara ng martial law ang pangulo sa Mindanao makaraang sakupin ng Isis at Maute group ang Marawi City.

Nakatakdang magtapos sa hatinggabi ng December 31, 2018 ang martial law kapag hindi ito pinalawig ng pamahalaan base na rin sa approval ng kongreso.

Read more...