Oil spill nagbabanta sa Boracay dahil sa lumubog na barge

Photo: Radyo Inquirer

Nakabantay na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang bahagi ng Barangay Sambiray sa bayan ng Malay, Aklan makaraang lumubog doon ang isang cargo vessel.

Ipinaliwanag ni Lt. Commander Jose Luis Mercurio, pinuno ng PCG Detachment sa lalawigan sa Aklan na lumog sa nasabing karagatan ang Bato Twin Barge na pagmamay-ari ng Island Ventures Corp.

Bukod sa buhangin ay may lamang limang trak at isang loader ang nasabing barge ng ito ay lumubog.

Sinabi ni Mercurio na wala namang casualties sa 13 katao na sakay ng barko sa pangunguna ng kapitan nito na si Rolando Casibu.

Nilinaw rin ng opisyal na dumaan sa kanilang inspeksyon ang nasabing barge kaya hindi ito overloaded tulad ng mga unang ulat.

Ayon sa paunang ulat ng PCG, hinampas ng malakas na alon ang barge na nagresulta ng pagpasok ng tubig na lalong nagpabigat sa nasabing sasakyang pandagat.

Nagpaplano na rin ang PCG at ang may-ari ng barko ng kanilang plano para sa salvaging ng barko naglatag na rin sila ng boom sa lugar para mapigil ang pagkalat ng langis sa lugar.

Ang kinalubugan ng nasabing barge ay ilang kilometro lamang ang layo mula sa isla ng Boracay.

Read more...