Duterte maglalabas ng EO para sa casino ban sa Boracay

DOT photo

Naniniwala ang Malacañang na kinakailangan na maglabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order para matiyak na walang operasyon ng Casino sa boracay island.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakalaan ang isla para sa pagsasaya ng pamilya at hindi dapat na mahaluan ng pagsusugal gaya ng Casino.

Sinabi pa ni Panelo na noon pa man, naging malinaw na ang polisiya ni Pangulong Duterte na ayaw nitong magkaroon ng sugal sa Boracay.

Paliwanag ng opisyal “The policy of the President is there should be no gambling casino inside Boracay because he feels that this is a family thing. Families go there, and he doesn’t want that there will be gambling inside Boracay”.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo, ikinakasa na ng Office of the Executive Secretary ang isang draft para sa EO.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na mananagot sa batas ang sinumang turista o indibidwal na hindi tatalima sa mga itinatakdang batas sa Boracay.

Kamakailan lamang, naiulat na mayroong nagsasagawa ng party, inuman at naninigrailyo sa Boracay bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa isla.

Read more...