Smart maglulunsad ng 5G services ngayong buwan

Inquirer file photo

Nakatakdang ilunsad ng Smart Communications Inc. ang kauna-unahang fifth generation (5G) cell site sa bansa.

Sa kanilang inilabas na advisory, sinabi ng Smart na ngayong buwan ng Nobyermbre bubuksan ang nasabing 5G-capable cell site sa Clark Freeport Zone.

Katuwang ng Smart sa nasabing proyekto ang Ericsson na kamakailan lamang ay kapwa lumagda sa isang memorandum of understanding.

Sinabi ni PLDT at Smart Chairman Manny Pangilinan na ang paglulunsad ng 5G cell site ay simula ng pagsasa-ayos ng nasabing telco ng kanilang serbisyo para sa mas mabilis na internet connection sa bansa.

Sa susunod na taon naman ay maglulunsad na rin ang Globe Telecom ng kanilang 5G services ayon sa kanilang mga naunang pahayag.

Samantala, ngayong linggo ay inaasahang isasapubliko na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nanalong telco na magsisilbing 3rd player sa industriya base sa ginawang selection process.

 

Nauna nang sinabi ng pangulo na kailangan ang isa pang player sa telecom industry dahil sa mahina at mabagal na internet capability ng Smart at Globe.

Read more...