Klase sa Iloilo City sinuspinde dahil sa magkakasunod na lindol

Sinuspinde ang klase sa Iloilo City dahil sa magkakasunod na may kalakasang lindol na naitala sa lungsod, Lunes (Nov. 5) ng umaga.

Sa post sa official Facebook page ng Iloilo City Government, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools.

Sinabi rin ni Iloilo City Mayor Jose Espinosa III na sarado muna pansamantala ang City Hall ngayong araw.

Ipinaubaya naman ni Espinosa sa diskresyon ng mga pribadong kumpanya ang pagdedeklara ng suspensyon sa trabaho.

Tatlong may kalasakasang pagyanig ang naitala sa Iloilo City.

Ang pinakamalakas ay ang magnitude 4.8 sa Guimbal, Iloilo kung saan nakapagtala ng Intensity IV sa lungsod.

Read more...