Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Naitala ang pagyanig alas 12:09 ng tanghali ng Lunes, Nov. 5.

Ang epicenter ng lindol ay sa 74 kilometers northwest ng Calayan.

Ayon sa Phivolcs, 27 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...