Paalala ni Angara na nakasaad sa batas na hindi maaring basta-basta bubuksan at kakalkalin ang mga kahon.
Sinabi nito na itinulak nila ang batas bunsod ng mga reklamo ng mga OFWs at kanilang pamilya na may mga bagay na kasama sa mga padala sa kahon ang nawawala o nasisira kapag sumasailalim sa inspeksyon.
Ayon sa mga senador, hindi kailangan buwisan ang balikbayan box na ang laman ay hindi hihigit sa P150,000 ang halaga.
Dagdag pa nito, hindi na kailangan pa ng kopya ng mga resibo ng mga laman ng kahon, gayundin ang passport, ID, OWWA card at work permit ng nagpadala ng kahon.
Base sa datos ng Bureau of Customs, 400,000 balikbayan boxes ang dumadating sa bansa kada buwan at dumodoble ito tuwing Kapaskuhan.