Joshua Garcia inalayan ng engrandeng birthday party ng kaniyang fans

Nagtipon-tipon ang “Tropang Joshua” para sa birthday celebration ng isa sa mga mahuhusay na aktor ng henerasyon, si Joshua Garcia. Present din ang pamilya ng aktor at ang kaniyang girlfriend na si Julia Barretto.

Iba’t ibang performances ang inalay sa Kapamilya actor, dagdag pa ang pinaghandaang birthday cake para sa birthday party na ginanap sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ani Joshua, masayang-masaya siya na ngayon ay ganap na syang binata sa edad na 21. Kinilig naman ang fans lalo noong dumating si Julia.

Nakihalubilo rin sa fans si Julia. At hindi itinago ang sweetness ng dalawa.

Ani Julia, masaya siya sa narating at napagtagumpayan ni Joshua. Bida ang dalawa sa teleseryeng inaabangan gabi-gabi, ang “Ngayon at Kailanman.” Patok ang kwento ng serye na talaga namang nagte-trending.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa kanyang fans dahil sa pagbibigay ng oras para sa kanya.

Ang wish nya ay marami pa syang mapasayang tao sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula at serye.

Sa dami ng endorsements, mayroon ding serye at pelikula, napatunayan ni Joshua ang pagiging successful sa edad na 21.

Wish naman ng fans para kay Joshua ang mas marami pang projects ang dumating ditto.

Read more...