3 Girl Scouts nasawi habang naglilinis ng kalat sa kalsada sa US

AP photo

Patay ang tatlong Girl Scouts, makaraang masagasaan sila habang nangungulekta ng basura sa highway ng Lake Hallie, Wisconsin sa Amerika.

Ayon sa mga otoridad, maliban sa tatlong Girl Scouts isa pa ang nasawi at mayroon pang isang kritikal ang kondisyon, matapos silang masagasaan ng pickup truck.

Miyembro sila ng Troop 3055 at pawang fourth-grade students sa Halmstad Elementary School.

Ayon kay Girl Scout of USA CEO Sylvia Acevedo, labis silang nalulungkot sa insidente.

Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Matapos ang insidente, tumakas pa ang driver ng pickup pero kalaunan sumuko rin sa mga otoridad.

Read more...