Sibunag, Guimaras, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol sa bayan ng Sibunag sa lalawigan ng Guimaras.

Naitala ang lindol sa 2 kilometers north west ng Sibunag, alas 7:46 ng umaga ng Lunes, Nov. 5.

May lalim lang na 3 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity IV sa Iloilo City.

Bago ito, nakapagtala ng Intensity III sa Iloilo City dahil sa magnitude 4.7 na tumama sa San Jose, Antique.

Read more...