Appointment paper ni Lapeña sa TESDA inilabas na ng Malakanyang

Inilabas na ng Malakanyang ang appointment paper ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña bilang bagong director-general ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang appointment paper ay may petsang October 30, 2018 at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa dokumento na si Lapeña ay itinatalaga bilang director-general ng TESDA na mayroong ranggong secretary.

Co-terminus siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong nakaraang linggo ay nakapanumpa kay Pangulong Duterte na para sa nasabing bagong pwesto si Lapeña.

Read more...