Ilang barangay sa Binangonan, 10 oras na mawawalan ng tubig

Mayroong sampung oras na water service interruption sa ilang mga barangay sa bayan ng Binangonan sa lalawigan ng Rizal ngayong Lunes, Nov. 5.

Sa abiso ng Manila Water, magsasagawa sila ng emergency leak repair sa bahagi ng Mabuhay Homes Subdivision sa Barangay Pantok, Binangonan.

Nagresulta ito ng water service interruption mula alas 9:00 ng umaga na tatagal hanggang alas 7:00 ng gabi.

Apektado ang mga sumusunod na barangay:

 

 

Ayon sa Manila Water, limang tangke ng tubig ang nag-iikot sa mga apektadong lugar para masuplayan ng tubig ang mga residente.

Read more...