Sa datos ng Phivolcs, alas 7:09 ng umaga, naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa 76 kilometers north east ng Hinatuan.
May lalim na 14 kilometers ang unang pagyanig.
Alas 7:20 naman ng umaga nang tumama ang magitude 3.4 na lindol sa naturang bayan.
Naitala naman ang epicenter nito sa 43 kilometers north east ng Hinatuan.
15 kilometers naman ang lalim ng ikalawang pagyanig.
1 kilometer lang ang lalim ng ikatlong lindol na naitala sa 72 kilometers north east ng naturang bayan.
Ang tatlong magkakasunod na lindol sa Hinatuan ay pawang tectonic ang origin at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian.