Amalia Fuentes, nakabalik na sa bansa matapos ma-stroke

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ng mga apo ng aktres na si Amalia Fuentes na na-stroke ito sa South Korea noong October 9.

Sa isang statement, sinabi nina Alyanna, Alfonso at Alissa Martinez na nagbabakasyon ang kanilang lola sa South Korea nang makaranas ito ng ischemic stroke sa loob ng kanyang hotel room.

Maswerte umanong nakita ng isa niyang kaibigan ang aktres kaya’t mabilis itong naisugod sa ospital sa Seoul.

Matapos ang mahigit dalawang linggo sa pagamutan, pinayagan ito ng kanyang mga doktor na muling makabiyahe pabalik sa Pilipinas noong Oktubre 27.

Makaraang makabalik sa bansa, agad itong idineretso sa isang hindi tinukoy na ospital kung saan ito namamalagi hanggang sa kasalukuyan.

Umaasa naman ang pamilya Martinez at pamilya Muhlach na makakalabas ito ng pagamutan sa lalong madaling panahon.

Read more...