Nais ni Senadora Leila de Lima na magsagawa ang Senado ng inquiry tungkol sa dalawang ‘Build, Build, Build’ projects ng pamahalaan.
Sa Senate Resolution 927, hinimok ng senadora ang mga kapwa senador na tiningnan ang nakaambang demolisyon sa 38 mga komunidad sa Metro Manila upang magbigay daan sa kunstruksyon ng P171 bilyong North-South Commuter Railway Project at P23 bilyong kalsada na magdudugtong sa North at South Luzon Expressway.
Ani de Lima, dahil sa naturang mga proyekto ay mawawalan ng tirahan ang nasa 180,000 mga pamilya sa Kalakhang Maynila.
Aniya, ilang mga residente sa Sampaloc, Maynila ang nagsabing hindi sila kinonsulta tungkol sa right-of-way ng mga proyekto.
Babala ni de Lima, posibleng ang ibigay na relocation para sa mga maaapektuhang pamilya ay nasa malalayong lugar at mayroon lamang kakaunting opertunidad para sa trabaho, bukod pa sa hindi magandang patubig at kuryente.