Nabatid na ang apat na sinasabing sangkot sa pagmasaker sa siyam na mga magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental ay dati palang mga miyembro ng New Poeple’s Army (NPA).
Bukod pa dito, nagalit umano ang komunistang grupo sa apat dahil sa kanila umanong pakikipagtulungan sa counter-insurgency operations ng pamahalaan.
Ayon kay National Democratic Front (NDF)-Negros spokesperson Frank Fernandez, dating mga miyembro sina Vito Lutrago, Eduardo Linugon, Rexi Robles, at isang nakilala lamang bilang Rako ng Revolutionary Proletarian Army na isang breakaway group ng NPA.
Ayon naman kay Chief Inspector Robert Mansueto, hepe ng Sagay City Police, sina Lutrago, Linugon, at Robles ay dating mga NPA, habang si alyas Rako ay isang asset ng Philippine Army.
Ani Mansueto, sa ngayon ay wala pang ebidensya na nagtuturo sa pagkakasangkot ng apat sa massacre.
Kaya aniya, dapat ay maglabas ng pruweba ang NPA na magpapatunay dito.
Gayumpaman, isasama ng mga otoridad ang apat sa kanilang mga iimbitahan para sa questioning.
Samantala, sinabi ni Mansueto na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon tungkol sa insidente kasabay ng pagsasampa ng kaso laban kina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo, at pitong ipa ba.