Good news!
Mayroon na namang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa iakaapat na sunod na linggo.
Nag-anunsyo na ang mga kumpanyang Jetti at Petro Gazz, na epektibo ngayong araw ng Lunes sa ganap na alas-6 ng umaga ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.
Magkakaroon ng pisong rollback sa halaga ng diesel at gasolina.
Samantala, ngayong araw din magpapatupad ng kaltas sa presyo ng petroleum products ang mga kumpanyang Eastern Petroleum, SeaOil na bahagyang mas malaki sa P1.10 sa kada litro ng gasolina, at piso sa kada litro ng diesel.
90 sentimo naman ang rollback sa presyo ng diesel para sa kumpanyang Total, at piso sa kada litro ng gasolina.
Bukas naman epektibo ang kaparehong rollback para sa Caltex, PTT, at Pilipinas Shell.
Nauna nang nag-anunsyo ng tapyas-presyo ang mga kumpanyang Phoenix Petroleum at Metro Oil kahapon ng umaga na nagkakahalaga ng piso sa parehong gasolina at diesel.
Ang naturang oil price adjustment ay dahil sa pagbaba ng krudo sa pandaigdigang merkado.