Water sports sa Boracay dapat i-book sa mga hotel at resort

Papayagan lamang ang pagsasagawa ng mga water sports activities sa isla ng Boracay kung ibu-book ito sa pamamagitan ng mga hotel at resort, at hindi sa mga nag-aalok sa beach front.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Deputy Ground Commander Al Orolfo, ito ay upang makaiwas sa pagdami ng mga illegal tour coordinators sa isla.

Ani Orolfo, magkakaroon ng magkakaibang pickup points sa Station 1 at 3 para sa iba’t ibang water activities. Sa pamamagitan aniya nito ay hindi magiging masikip ang beachfront.

Ayon naman kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, simula November 7 ay papayagan na ang mga water activities gaya ng pagsakay sa jet ski at diving.

Sa November 15 naman ibabalik ang island-hopping tours.

Nauna nang pinayagan ang mga water sports gaya ng paraw sailing, kayaking, at kite surfing noong November 3.

Read more...