Unang araw ng bar exams naging mapayapa ayon sa NCRPO

Kuha ni Erwin Aguilon

Walang naitalang anumang untoward incident ang hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa unang araw 2018 bar examinations.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, generally peaceful ang una sa apat na Linggong bar exams.

Dagdag pa nito, sa kanilang pagbabantay ay wala silang nakuhang anumang ipinagbabawal mula sa mga examinees.

Kagaya ng mga nakalipas na bar exams, see-through bags lamang ang pinayagang ipasok ng mga examinees para matiyak na wala silang susubukang ipuslit sa testing centers.

Kabilang sa mga bawal dalhin sa exam ang anumang uri ng armas, cellphone, smartwatch, camera, voice recorder, at iba pang gadgets.

Sinegundahan ito ni Manila Police District (MPD) spokesperson, Superintendent Ana Lourence Simbajon at sinabing naging maayos ang sitwasyon sa loob at labas ng University of Santo Tomas kung saan ginanap ang pagsusulit.

Read more...