Negosyante patay sa pamamaril sa Quezon City

Pinagbabaril hanggang sa namatay ang isang negosyante sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Michael Manila, 45 taong gulang.

Ayon sa empleyado ng biktima, nasa loob sila ng kanilang sasakyan nang biglang tumabi dito ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Walang pag-aatubili ay pinagbabaril ng gunman si Manila sa ulo.

Matapos ang pamamaslang ay inagaw pa nito ang cellphone at pera ng biktima na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng salarin.

Read more...