Metro Mayors binawalang mag-isyu ng ‘permit to rally’ sa panahon ng APEC

Inquirer fIle photo

 

Pinagbawalan ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng mayor sa Metro Manila na mag-isyu ng ‘permit to rally’ habang ginaganap ang Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa bansa.

Ayon kay Interior Secretary Mel Senen Sarmiento, hindi dapat na payagan ang pagsasagawa ng kilos protesta lalo na kung magbibigay ng panganib sa mga lider mula sa iba’t-ibang bansa na dadalo sa APEC.

Giit ni Sarmiento, bagama’t malaya ang sinoman na makapagpahayag ng saloobin, dapat na sundin ang proper guidelines para magsagawa ng public rallies.

Pero ayon kay Sarmiento, hindi na kailangan ng permit to rally kung magtitipon-tipon sa isang freedom park o private property maging sa state-owned school campuses.

Una rito, idineklara ng Pangulong Benigno Aquino III na special non-working days sa National Capital Region ang Nobyembre 18 at 19.

Naglatag na rin ng mga karagdagang mga security measures ang PNP at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak na magiging mapayapa ang gaganaping APEC leaders meeting dito sa bansa.

Daan-daan ding mga byahe ng eroplano ang kinansela sa pagitan ng November 16-20 na siyang panahon na nandito sa Pilipinas ang mga lider ng 21-member economies ng APEC.

Read more...