Mayor Romualdez, nag-sorry kay Pangulong Aquino

 

Malacañang File Photo (2013)

Humingi ng paumanhin si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa maaanghang na salita na kaniyang binitiwan noon matapos salantain ng bagyong Yolanda ang kaniyang lungsod.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos ang commemorative ceremony na isinagawa sa Tacloban Astrodome Linggo ng umaga.

Ayon kay Romualdez, nagpapasalamat siya sa tulong na ibinigay ng administrasyon ng Pangulong Aquino sa kaniyang mga kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Paliwanag ni Romualdez, kaya siya nagbitiw ng maanghang na salita dahil sa nasaktan siya kasama ang kaniyang mga kababayan dahil sa nagdaang bagyo.

Gayunman, nilinaw ni Romualdez, na bagamat nakapagbitiw siya ng masasakit na salita, malaki pa rin ang kanilang pagtanaw ng utang na loob sa mga tulong na kanilang tinanggap.

Una rito, matatandaang binatikos ni Romualdez noon ang Pangulong Aquino dahil sa mabagal na pagkilos upang matulungan ang mga nabiktima ng bagyo.

Dahil s amga pahayag noon ni Romualdez binatikos naman ni Pangulong Aquino ang lokal na pamamahalaan ng Tacloban dahil sa kabiguang paghandaan ang super bagyong Yolanda.

Read more...