WATCH: James Reid, nagregalo nga ba Ferrari sa GF na si Nadine Lustre?

 

 

Usap-usapan ngayon ang sinasabing espesyal at mamahaling birthday gift ni James Reid sa kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.

Batay sa video na orihinal na ipinost sa Instagram story ni Andrei Suleik, makikita na bumaba mula sa ang isang puting Ferrari si James at nasorpresa si Nadine na naka-Halloween costume pa. Kinantahandin din siya ng ilang kaibigan nila ng Happy Birthday.

Noong October 31 ay nagdiwang ng kanyang 25th birthday si Nadine.

Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng love team, pero paniwala ng kanilang fans ay regalo ni James ang luxury car kay Nadine.

Ayon sa iba pang fans, “grabe ang gift ni James kay Nadine. Ang goals nila masyado.”

Batay kay Ira Panganiban, anchor ng Radyo Inquirer at editor ng Autocar Philippines, ang isang Ferrari ay nagkakahalaga ng 20 million pataas, depende sa modelo ng sasakyan.

Read more...