Kumontra agad ang mga taga-oposisyon at sinabing labag sa Saligang batas ang mga sundalo sa “civilian positions.”
Naglagay na raw si Duterte ng dalawang dating sundalo, pero lumusot ang mga shabu at patuloy ang “smuggling.” Bukod dito, walang alam ang militar sa mga “teknikal na aspeto” sa mga pantalan, partikular sa pagpasok at paglabas ng “imported goods.”
Nitong Miyerkules, nilinaw ng Malakanyang na “intimidation “ lang o gustong takutin ni Duterte ang mga corrupt sa Customs kaya niya sinabi ang “military takeover.” Pero, ayon naman kay DFA secretary Teddy Boy Locsin, ilang dekada nang “civilian authority” ang namamayagpag sa Bureau of Customs, at panahon na raw subukin ang militar para masawata ang “smuggling” lalo na “shabu.”
Kung tutuusin, hindi lang taga-Customs ang may kasalanan dito, kundi ang mga negosyanteng naglalagay para mapabilis ang kanilang kargamento. Nandyan din ang mga “shabu smugglers” na nagbabayad sa mga tiwaling opisyal at kawani ng Customs, PNP, AFP, Department of Finance, PPA at DOTR para makalusot ang kanilang kontrabando.
Tingnan niyo ang nangyayari. Walang pang nakulong na Customs Official, wala ring naparusahang importer ocustoms broker kahit bilyun-bilyong piso na ang pumapasok na sa ilegal na droga.
Paano ka namang hindi mabubuwisit niyan? Marahil kaya gusto ng Pangulo na ‘a takeover” sa Customs para deretso nang ikulong ang mga “negosyanteng naglalagay” at ang tumatanggap ding opisyal ng gobyerno. Ang problema, labag nga ito sa Saligang batas.
Kapag naglagay ng sundalo sa lahat ng pwesto, windang ang port operations at tiyak na iiral na naman ang “port congestion.” Kaya naman, hindi ako masyadong umaasa na may gagawing kakaiba o mas maganda itong si bagong Customs chief Rey Guerrero.
Kung ako ang tatanungin, ang dapat gawin ng Pangulo dito o ni Customs chief Gurrero ay maghirang ng mga “trusted” at mas malilinis na career Customs officers. Marami pa naman diyan at ika nga, mga taga-loob na gagawing deputy commissioners na pipili naman ng mga “malilinis” ding “port collectors.” Ito’y para hindi masira ang regular na “workflow”at koleksyon ng buwis sa naturang tanggapan. Bukod diyan, magtayo siya ng malakas na “counter-intelligence” para madakip ang “importers”, traders at Customs insiders na sangkot sa katiwalian..
At para maiwasan ang mga malakihang importasyon ng shabu, “illegal drugs” at ibapang smuggling, ibalik natin ang mga “international third party inspection companies” namagsasagawa ng “pre-shipment inspection sa mga port of origins bago maglayag patungong Pilipinas. Nariyan ang dating SGS ng Switzerland noong Edsa revolution, o kaya’y Bureau Veritas, Asia Inspection, Intertek at marami pang pagpipilian. Dito takot ang mga taga- Customs dahil mawawalan sila ng kita. Kahit magbayad tayo ng P10B isang taon kung mawawala o mababawasan naman ang “smuggling.” Pero, siyempre, hindi ito aaprubahan ng Kongreso at Department of Finance at mga taga- Malakanyang. Alam niyo ba kung bakit? Masisira ang dilihensya at “cash cow“ nilang lahat.
(end)