Vietnamese arestado sa NAIA matapos mahulihan ng bala

 

Mula sa commons.wikimedia.org

Inaresto ang isang babaeng Vietnamese makaraang makarekober ang mga awtoridad ng bala ng baril sa kanyang shoulder bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon, Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (Avsegroup), ang Vietnamese na kinilalang si My Nguyen, na may edad na trenta anyos, ay maghahatid lamang ng isang kamag-anak nito sa NAIA Terminal 3.

Natuklasan aniya ang isang bala ng .357 caliber sa naturang shoulder bag ng Vietnamese national nang dumaan ito sa X-ray scanner sa Terminal 3.

Habang isinasagawa ang inquest proceeding sa Pasay City Prosecutor’s Office kaninang umaga, inamin ni Nguyen na pagmamay-ari niya ang nakitang bala ng baril sa kanyang shoulder bag.

Paliwanag ni Nguyen, ibinigay ng isa niyang customer sa kanyang RTW (ready-to-wear) business ang naturang bala ng baril upang magsilbing lucky charm nito.

Nahaharap ngayon si Nguyen sa kaso ng paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on firearms and Ammunition.

Read more...