Sa 4am weather advisory ng PAGASA, intertropical convergence zone (ITCZ) lamang ang umiiral partikular sa Visayas sa Mindanao.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA region dahil sa epekto ng ITCZ.
Maalinasangang panahon naman ang mararanasan sa buong Luzon at nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES