2018 bar examinations, simula na ngayong araw

Kuha ni Erwin Aguilon

Aarangkada na simula ngayong araw ang 2018 Bar examinations.

Gaganapin ang 2018 Bar exams sa loob ng apat na Linggo ng Nobyembre sa University of Santo Tomas (UST).

Umabot sa 8,701 ang pinayagan ng Office of the Bar Confidant na kumuha nito na record high ayon sa Korte Suprema.

Ngayong araw, ang subjects na kukunin ng Bar takers ay Political and International Law at Labor Law and Social Legislation.

Si Associate Justice Mariano del Castillo ang chairman ng Bar Exams Committee ngayong taon.

Ipinatutupad ang liquor ban at no parking policy sa paligid ng UST at mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad.

Read more...