Sa pahayag ng Foreign Ministry ng North Korea, sinabi nitong posibleng ibalik nila ang kanilang ‘pyongjin’ policy na layong isailalim sa advancement ang kanilang nuclear force.
Inaakusahan ng Pyongyang ang Washington na hindi tumutupad sa mga napag-usapan na nina North Korean leader Kim Jong Un at US President Donald Trump sa kanilang pulong sa Singapore noong Hunyo.
Matatandaang layon ng naturang pulong ang denuclearization ng buong Korean Peninsula.
Sinabi naman ni US Secretary of State Mike Pompeo na plano niyang kausapin sa susunod na linggo ang kanyang counterpart na si North Korean official Kim Yong Chol.
Hindi naman sinabi nito kung kailan at kung saan magaganap ang pulong.
Nanindigan si Pompeo na ipagpapatuloy ang economic pressures hanggang hindi tumutupad si Kim sa naging pangako kay Trump noong Hunyo.
Gayunman, iginiit ng North Korea Foreign Ministry na ‘incompatible’ ang pagpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa habang pinapatawan sila ng sanctions.